INARESTO ng mga pulis ang comedian/singer na si Blakdyak matapos magwala sa loob ng isang apartelle sa Cubao, Quezon City kaninang umaga, Hunyo 2, 2014.
Si Blakdyak o Joey Amoto sa tunay na buhay, 44, ay kasalukuyang pinipigil sa himpilan ng pulisya matapos ipagharap ng reklamo.
Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Station-7 Cubao, inaresto si Blakdyak matapos magwala sa loob ng Tisa apartelle sa Imperial Street, Cubao, QC alas-6:00 ng umaga.
Nabatid sa ulat na nag-ugat ang pagwawala ni Blakdyak nang sitahin ng staff ng apartelle ang una nang pumasok ITO habang hawak ang isang putol na kahoy gayong ‘di naman siya naka check-in sa naturang apartelle.
Ikinagalit naman ni Blakdyak ang paninita sa kanya ng staff ng apartelle kung kaya nagwala ito na loob ng front desk ng naturang apartelle.
Nasira rin ang pintuan ng isang Toyota Revo matapos umanong pagsusuntukin ni Blakdyak.
Paliwanag naman ni Blakdyak na nagawa lamang niya ito dahil sa galit nito sa pagsasara ng apartelle sa kanya.
Nahaharap ngayon si Blakdyak sa kasong alarm and scandal bunga ng naturang insidente.
The post Pinagsarhan ng apartelle, Blakdyak nagwala appeared first on Remate.