NASABAT ng Philippine Coast Guard sa Palawan ang nasa 20 drum ng smuggled fuel na ipinuslit mula sa Malaysia patungo sa nasabing lalawigan.
Sa impormasyon mula kay Lt. Greaneta Jude, spokesperson ng PCG Palawan, nasabat ng kanilang grupo ang nasabing produktong petrolyo sa bahagi ng Bgy. Rio Tuba, Bataraza, Palawan.
Narekober ang nasabing mga produkto dahil na rin sa sumbong ng ilan sa mga asset ng awtoridad sa lugar na naging dahilan upang magsagawa ng operasyon ang PCG, katuwang ang Philippine Navy at bantay dagat ng Bataraza.
Kinilala ang may-ari ng bangka na si Amar Abduhalim, isang Muslim.
Agad namang ipinasa ng PCG ang smuggled fuel sa Bureau of Customs sa Puerto Princesa City.
The post Smuggled fuel nasabat sa Palawan appeared first on Remate.