TODAS ang isang kelot nang magbigti nang nakaluhod matapos awayin na naman ng ka-live-in dahil sa pera sa Valenzuela City, Lunes ng hapon, Hunyo 2.
Dead-on-arrival sa Valenzuela General Hospital si Jimson Barruga, 31, ng De Galicia St., Maysan, nasabing lungsod.
Sa pahayag ng ka-live-in ng biktima na si Annalyn, alas-4:50 ng hapon nang madatnan niya ang nasawi habang nakabigti ng nylon cord at nakaluhod sa loob ng kanilang bahay.
Humingi ng tulong si Annalyn sa kapitbahay at pinagtulungan kalasin ang nylon cord sa leeg ng biktima bago dinala sa VGH.
Nabatid na laging mainit ang ulo ng biktima at palaging katalo si Annalyn dahil sa problema sa pambayad sa upa ng bahay maging pambayad sa ilaw at tubig.
The post Kelot napurdoy, nagbigti nang nakaluhod appeared first on Remate.