TINATAYANG kalahating kilong shabu ang nasabat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) cargo terminal ng PNP Aviation Security Group at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kaninang umaga, Hunyo 3.
Nagkakahalaga ang shabu ng P2.5 milyon na isinilid at itinago sa mga kahon ng sandals na ipinadala sa pamamagitan ng LBC.
Isang Itti Isnaen ang nakapangalan sa parcel na naka-address for pick up sa Isabela City, Basilan Branch ng LBC.
Limang kahon ng sandals ang pinadala ng isang Helda Isnaen na may address naman sa Luzon Avenue, Quezon City.
Nadiskubre ang shabu nang dumaan sa x-ray at sumailalim sa K-9 sweeping ang mga kahon saka nagpositibong shabu matapos isalang sa field test.
The post P2.5M shabu nasabat sa NAIA appeared first on Remate.