ISANG grade 1 pupil ang namatay habang malubhang nasugatan ang ina nito at dalawang pang etudyante nang araruhin ng minamanehong van ng isang lasing na barangay chairman ang sinasakyan nilang tricycle kahapon, June 2, sa San Fabian, Pangasinan.
Kinilala ang estudyanteng namatay na si Kyle Pugong, ng nasabing bayan habang ang mga sugatan ay sina Gemma Pugong, ina ng biktima; Aivy Dispo, 12, at Leslie Biagtan, 11.
Sa imbestigasyon, papasok umano sa eskwelahan ang mga estuyante kasama ang ina ng biktima nang mapansin ng driver na wala sa hulog ang takbo ng van na minamaneho ni Rogelio Hufana, barangay chairman ng Barangay Inmalog Sur, San Fabian.
Bagama’t umiwas na ay naararo pa rin ng van ni Hufana ang tricycle kung saan tumilapon ang mga biktima sa isang concrete canal.
Nagkaroon si Kyle ng bone at skull fracture sanhi ng kanyang pagkamatay habang ang iba pa’y nasugatan sa sa iba’t ibang parte ng katawan.
Under observation ang ina ng biktima at dalawang estudyante sa ospital.
Nabatid na lasing si Hufana habang itoy nagmamaneho.
Reckless imprudence resulting to homicide ang multiple serious physical injuries ang ikinaso kay Hufina na nakapiit na ngayon.
The post 1 todas, 3 sugatan sa senglot na tserman appeared first on Remate.