NAGKALASOG-LASOG ang katawan ng isang dating barangay kagawad nang suwagin ng isang karo ng patay habang sakay ng motorsiklo sa Butuan City kaninang umaga, Hunyo 30.
Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Alfredo Furia, 50, ng Barangay Mati, Las Nieves, Agusan del Sur.
Sumuko naman agad at ngayo’y nakaditine na sa Butuan City Police Station 5 ang driver ng sasakyan ng punerarya na si Lito Noel Abilnayo.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 10 ng umaga sa national highway ng Barangay San Mateo, Butuan City.
Bago ito, naghatid ng patay si Abilnayo at nang pabalik na sa punenerya ay hinarurot na ang L300 van na kanyang minamaneho.
Pagsapit sa lugar, natumbok nito ang motorsiklo ng biktima na siya ring nagsugod kay Furia sa pagamutan pero binawian din ng buhay.
The post Ex-kagawad todas sa karo ng patay appeared first on Remate.