Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Nahuling magkayakap sa kama: Lover ni misis ginulpi ni mister

$
0
0

BUBOG-SARADO na, sasampahan pa ng kaukulang kaso ng isang mister ang lalaking kalaguyo ng kanyang misis matapos mahuling magkayap ang dalawa sa kama sa Albay, kaninang madaling araw

Isinugod sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sanhi ng tinamong bukol at pasa sa ulo at sa iba’t ibang parte ng katawan ang homewrecker na itinago sa pangalang Boy Ahas.

Bukod pa rito, nakakasang sampahan ng kasong concubinage o pangangalunya ng complainant na si Dingdong ang suspek na si Boy Ahas habang kasong adultery naman ang isasampa nito laban sa kanyang misis na si Magdalena, 20-anyos.

Natuklasan ang pangangalunya ng magkalaguyo dakong alas-2:00 ng madaling araw sa mismong kuwarto ng magasawa sa Purok 4 Tagas, Daraga, Albay.

Bago ito, bumisita si Dingdong sa kanilang bahay para dalawin ang anak pero hindi ito ang nadatnan nitong katabi ng kanyang misis kundi isang ‘di niya kilalang lalaki ang kayakap nito na ang kamay ay nasa dibdib pa ng katabi.

Sa galit, kumuha ng dos-por-dos si Dingdong at hinataw agad ang kamay ni Boy Ahas at nang magising ay pinaulalan pa ng palo sa iba’t ibang parte ng katawan hanggang sa ito ay mapuruhan at bumulagta sa sahig.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>