Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Taxi driver tigok nang pumalag sa holdap

$
0
0

DEDO ang isang taxi driver makaraang manlaban sa limang holdaper sa Quezon City, Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Victor Rapis, 53-anyos, may-asawa, taxi driver at residente ng 363 Malic-lic St., Tondo, Manila.

Binawian nang buhay si Rapis habang ginagamot sa FEU Hospital dahil sa tinamong tama ng saksak sa kanang dibdib.

Ayon kay SPO1 Alden Lasam ng Quezon City Police District Station 6 Batasan, naganap ang insidente sa kahabaan ng Jasmin St., cor. Adarna St. Brgy. Holy Spirit, QC dakong alas-8:00 ng gabi.

Sumakay ang mga suspek sa minamanehong metered transport taxi (TWW-279) ng biktima sa Sangandaan, Quirino Hiway, QC at nagpahatid sa Brgy. Holy Spirit.

Pagsapit sa lugar, nagdeklara ng holdap ang mga suspek at kinuha ang maghapong kita ng biktima.

Subalit nanlaban ang biktima kaya saksakin siya ng mga suspek

Mabilis na tumakas ang mga suspek at iniwan ang duguang biktima.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


Love Quotes Tagalog


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


The business quotes | Inspirational and Motivational Quotes for you


5 Tagalog Relationship Rules


“BAHAY KUBO HUGOT”


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


EASY COME, EASY GO


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE