Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Kelot todas sa bugbog ng kainuman

$
0
0

NAGMISTULANG punching bag ang isang 41-anyos na binata matapos bugbugin ng kainuman sa Malate, Maynila.

Idineklarang patay sa Ospital ng Maynila dakong alas-4:45 kahapon ang biktima na kinilalang si Manuel Diorico, walang trabaho at taga-Gonzalo St., Malate, Maynila.

Naaresto naman sa isinagawang follow up operation ng pulisya ang suspek na si Hernando Ocampo, 50, hiwalay sa asawa, tubong Lemery, Batangas at residente ng Meding St., Malate, Maynila.

Sa report ni SPO2 Ronald Gallo ng Manila Police Distirct (MPD)-Homicide Section, dakong 10:30 ng gabi noong Pebrero 16, sa kanto ng Gonzalo at Meding, nag-iinuman ang biktima, suspek at ilan nilang kaibigan.

Nang malasing ang suspek ay sinita nito ang biktima na humantong sa mainitang pagtatalo hanggang sa bugbugin ng una ang huli.

Natigil lamang ang pambubugbog ng suspek sa biktima nang awatin sila ng iba pang kainuman.

Imbes na ipasuri sa doktor, dinala lamang ang biktima sa kanilang bahay.

Dakong 11:45 kamakalwa ng umaga ay dumating si Arnel Diorico, nakababatang kapatid ng biktima na naabutan si Manuel na nakahiga at may dugong lumalabas sa magkabilang tenga nito.

Ginigising nito ang kapatid subalit hindi na ito gumagalawa dahilan upang isugod sa ospital subalit namatay habang ginagamot..

Nagsagawa ng follow up operations ang mga elemento ng MPD-Station 9 (Malate) at naaresto ang suspek sa kanilang bahay.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129