HINDI na magigising kahit kailan ang isang binata matapos mabigti sa puno ng mangga Candon City, Ilocos Sur dahil sa insomnia.
Nakitang nakabitin sa naturang puno si Ronald Galicia, 32, binata, ng Barangay Bagani Campo sa nasabing siyudad.
Base sa ulat, tiningnan ng amang si Salvador Galicia, Sr. ang anak niyang si Ronald sa kanyang kuwarto dahil sa problemang hindi nakakatulog ngunit wala siyang nakita.
Hanggang sa ipagbigay-alam kay Salvador ni Alfonso Games, 48, kapitbahay ng biktima, na nakabitin sa punong mangga ang kanyang anak.
Ayon sa pamilya ng biktima, hindi na nila pina-awtopsiya ang biktima at posibleng ang sakit nitong insomnia ang rason ng kanyang pagpapakamatay.
Samanatala, sa naturang puno rin unang nagpatiwakal ang kapatid ng biktima.