TODAS ang isang fish porter matapos saksakin ng lasing na suspek kaninang madaling-araw, June 10, sa C-4 Road, Bgy. Tañong, Malabon City.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Ronaldo Cablao, 38, may ka-live-in, ng C-4 road ng nasabing barangay sanhi ng isang malalim na saksak sa dibidib.
Arestado naman at nahaharap sa kasong murder ang suspek na si Carlo Rosales, 30, fish porter, ng Bgy. Longos, Malabon City.
Ayon sa ulat, alas-3:00 kaninang madaling-araw naganap ang insidente sa nasabing lugar.
Nauna rito, pinayagan ng ka-live-in ng nasawi na si Julie Polares na mag-inuman sa tapat ng bahay ang suspek kasama ang isang Lucila Orela.
Dahil sa kalasingan, naabutan ng biktima na tulog ang suspek sa harap ng bahay hanggang sa sitahin ang huli na humantong sa pagtatalo dahilan upang bumunot ng patalim at tarakan ang biktima na agad nitong ikinasawi.
Matapos ang insidente, tinangka ng suspek na tumakas subalit agad itong naaresto ng mga awtoridad.
The post Porter todas sa tarak sa Malabon appeared first on Remate.