TATLONG bangkay ng hindi pa nakikilalang kababaihan ang natagpuan sa Barangay Indiana, Bambang, Nueva Vizcaya, kaninang madaling-araw, Hunyo 10.
Sinabi ni Indiana Barangay Captain Johnny Dizon, na isang magsasaka ang nakadiskubre sa patong-patong na bangkay na pawang may mga tama ng bala sa ulo at katawan.
Isa sa mga biktima ay tinatayang nasa 50-anyos habang 20-25 anyos naman ang dalawang iba pa.
Hinihinalang magkakamag-anak o mag-iina ang mga biktima.
Blangko pa ang pulisya kung sino ang nasa likod ng pagpatay at maging sa kung ano ang motibo sa krimen.
The post 3 bangkay ng babae, nahukay sa Nueva Vizcaya appeared first on Remate.