INIREKLAMO ng isang 36-anyos na lalaki sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ang isang pulis Maynila na malimit nambu-bully sa kanya.
Kasong slander by deeds ang isinampa ng biktimang si Roma Quiambao, ng 358 Ibarra St., Tondo, Maynila laban kay PO1 Hoel Santiago, ng MPD na binansagang “boy bully”.
Ayon sa reklamo ng biktima, malimit siyang pahiyain ng nasabing pulis kung saan minumura din ito sa harapan ng ibang tao.
Dahil sa kahihiyang dinaranas ng biktima sa pulis ay nagpasya itong dumiretso sa tanggapan ng MPD-GAS upang magreklamo.
Nakatakdang ipatawag sa MPD-GAS si Santiago para sa isang komprontasyon.
The post Pulis Maynila, inireklamo ng pambu-bully appeared first on Remate.