KALABOSO ang isang lalaki matapos holdapin ang naglalakad na ginang sa Caloocan City, Martes ng gabi, Hunyo 10.
Nakilala ang suspek na si Amid Ampil, 38, ng Phase 5, Bagong Silang ng lungsod.
Sa pahayag ng biktimang si Jennifer dela Cruz, 23, alas-6:30 ng gabi, naglalakad siya sa Phase 3, Bagong Silang ng lungsod nang tutukan ng baril at holdapin ng suspek.
Kinuha ng suspek ang dalang bag ng biktima na naglalaman ng P2,000 at cellphone bago tumakas.
Nagsumbong naman sa mga pulis ang biktima at sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ang suspek at nakuhanan ng tatlong bala ng kalibre .38 kung saan wala ang baril at mga nakulimbat.
Nang iharap ang suspek sa biktima ay positibong itinuro ng huli ang una na siyang nangholdap sa kanya.
The post Lalaki dakip sa holdap sa Caloocan appeared first on Remate.