BANGKAY na nang matagpuan kaninang umaga, Hunyo 12 ang isang dalagitang may isang linggo nang nawawala sa Catanduanes.
Ang bangkay ng biktimang si Lyka Bermejo, 16, ng Barangay San Andres, Pandan, na nasa state of decomposition na ay pinaniniwalaang ginahasa pa dahil wala itong saplot sa katawan nang madiskubre.
Sa ulat, nadiskubre ang bangkay alas-6:45 ng umaga sa isang liblib na lugar na ilang metro ang layo sa bahay ng biktima.
Ayon sa ina ng biktima na si Eslie, bago sa pagkakatagpo sa bangkay, inutusan niya ang kanyang anak na maghugas ng pinggan sa tabing ilog.
Pero simula aniya noon ay hindi na niya ito nakita pa pero hinanap nila ito ng halos isang linggo ngunit nabigo sila.
Kaninang umaga, nadiskubre ang naaagnas na bangkay ng dalagita na walang saplot at nakatihaya sa talahiban.
Teorya naman ng puliya na inabangan ng suspek ang pagpunta ng biktima sa ilog saka ginahasa at pinatay.
The post Dalagita hinalay, saka pinatay ng adik appeared first on Remate.