Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

PHL racing champ tepok sa riding-in-tandem sa QC

$
0
0

PATAY ang kilalang Philippine sporting icon at racing champ na si Ferdinand “Enzo” Pastor, makaraang barilin ng motorcycle-riding men sa Quezon City.

Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nasa isang pickup truck si Pastor sa Vizayas Avenue, Congressional Avenue nang barilin ng mga suspek.

Napag-alamang dinala pa sa pagamutan si Pastor ngunit namatay din dahil sa tama ng mga bala ng baril sa kanyang ulo.

Sugatan naman si Paulo Salazar, na nasa loob ng nasabing pickup truck nang mangyari ang insidente.

Sa ngayon ay wala pang alam ang mga awtoridad sa motibo sa pagpaslang.

Si Pastor ang kauna-unahang Filipino na nakasali sa NASCAR Whelen Euroseries Open Championship race circuit sa TFT-Alpes Carrelage team at nagtapos bilang ika-anim sa nasabing torneyo noong 2013.

Noong Abril ay nagtapos siyang ikaapat sa Euro-NASCAR series sa Nogaro, France.

Si Pastor ay nakatakdang pumunta sa US para sa K&N Pro Series East, isang regional stock car racing series na pagmamay-ari ng US arm ng NASCAR na magaganap sa Virginia International Raceway sa Agosto 24 at sa Georgia para naman sa Road Atlanta race sa October 18.

Sa edad na 17 ay ginawa ni Enzo Pastor ang racing debut noong 1999 sa Toyota Corolla Cup na  gamit niya ang Toyota Corolla na sasakyan sa nasabing race pero namatay naman ito sa edad na 32.

The post PHL racing champ tepok sa riding-in-tandem sa QC appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>