TODAS ang isang mister nang malapitang barilin sa harapan ng kaibigan nito ng hindi pa nakikilalang salarin, Sabado ng gabi, June 14, sa Brgy. Tañong, Malabon City.
Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center si Rene Malinas, 32, may asawa, vendor, ng Magsaysay St., Bgy. San Agustin ng nasabing lungsod sanhi ng isang tama ng kalibre .45 sa kaliwang sintido.
Mabilis na tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek bitbit ang ginamit na baril.
Sa imbestigasyon ni P03 Jun Belbes, alas-10:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa tapat ng Josie Eatery sa F. Sevilla St., kanto ng Estrella sa nasabing barangay.
Nauna rito, nagkipag-inuman ang biktima sa kaibigan nitong si Henson Yao sa tapat ng nasabi kainan hanggang sa biglang lumapit ang suspek at walang sabi-sabing binaril si Rene na agaran nitong ikinasawi.
Nakarekober sa lugar na pinangyarihan ang nagrespondeng tauhan ng (PCP-6) ng isang empty shell ng kalibre .45 na ginamit sa krimen.
Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo sa krimen.
The post Mister inutas sa harap ng kaibigan appeared first on Remate.