PATAY ang isang binata matapos pagtatagain ng hindi pa kilalang mga suspek sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City, Sabado ng gabi, Hunyo 14.
Dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) sanhi ng mga saksak sa katawan si John Castro, 43, ng Tambakol St., ng lungsod.
Sa ulat, alas-11:40 ng gabi, nakikipag-inuman ang biktima sa nasabing lugar at nang makitang wala ng pulutan ay nagpaalam na uuwi at kukuha umano.
Habang kumukuha ng pulutan ay biglang nagsipasok ang mga suspek at pinagtulungang pagsasaksakin ang biktima bago nagsitakas.
Dinala ng mga kapitbahay ang biktima sa JRMMC kung saan inaalam na kung sino at ano ang motibo sa krimen.
The post Binata kinatay sa loob ng bahay appeared first on Remate.