TINATAYANG 100 militante ang nasawi makaraang isagawa ng Pakistan ang airstrikes sa North Waziristan region ngayong Linggo ng umaga.
Ito na ang ikalawang airstrike ng Pakistan sa nasabing rehiyon simula nang lusubin ng Taliban ang paliparan sa lungsod ng Karachi.
Nabatid na ang North Waziristan ay ang hideout ng militanteng grupo.
Kinumpirma ng Pakistan intelligence na walong mga hideout ang tinarget ng airstrike sa North Waziristan.
Isa sa mga namatay ay si Abu Abdul Rehman al-Maani na sinasabing isa sa nagplano sa pang-aatake sa Karachi airport.
Nagtitipon umano ang mga militante para pag-usapan ang ibinigay na deadline ng mga otoridad para lisanin ang lugar, nang ilunsad ang airstrike.
The post 100 militante todas sa airstrikes sa Pakistan appeared first on Remate.