MAY panibagong volcanic earthquake na naman ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) mula sa bulkang Mayon sa nakalipas na 24-oras.
May naitala rin na moderate emission ng white steam plumes o puting usok sa direksyong northeast.
Sa kabila nito, wala namang nakitang crater glow lalo kagabi.
Sa ngayon, nananatili pa rin sa alert level 1 ang bulkan na nangangahulugan na ito ay nasa abnormal pang kondisyon.
Mahigpit ring ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa perennial life-threatening dangers ng rockfalls, landslides/avalanches mula sa tuktok nito at maging ang biglaan na pagbuga ng usok o phreatic eruption na pwedeng mangyari anomang oras ayon sa Phivolcs.
Pinapaalalahanan na rin ang mga residente partikular ang mga nasa dalisdis nito na iwasan ang paglapit sa active stream/river channels at ang mga kilala na bilang perennially lahar-prone areas lalo na kung bumubuhos ang malalakas na ulan.
The post Volcanic earthquake ulit, naitala sa Mt. Mayon appeared first on Remate.