DAHIL lubog sa utang, isang elementary school principal ang nagbigti sa Davao nitong Sabado ng hapon, Hunyo 14.
Ang biktimang si Bernard Catalia, 47, principal ng Lamanan Elementary School sa Calinan ay gumamit ng nylon cord na ipinalupot sa kanyang leeg.
Natagpuan na lamang ng kanyang maybahay na si Austria Catalia, ang bangkay ng kanyang mister sa loob ng kanilang bahay sa Moises St., Abayon Subdivision, Calinan sa lungsod ng Davao dakong 5:45 ng hapon.
Ayon kay Austria na isa ring guro, hindi sanay sa utang ang kanyang mister at nang makitang halos umabot na sa isandaang libong piso ang kanyang babayarang loan ay naging emosyonal ito at nagpakamatay.
The post Principal na lubog sa utang, nagbigti appeared first on Remate.