NAPATAY ang driver ng city treasurer at nasa malubhang kondisyon ang misis nito nang tambangan ng ‘di nakilalang mga suspek sa Calbayog City, Samar.
Kinilala ang napatay na biktima na si Ronnie Lanupa, residente ng nasabing siyudad.
Sa imbestigasyon, lumalabas na tinambangan ng mga suspek ang service vehicle ng mga biktima habang papaalis na ito sa may fish stalls sa Brgy. Matibato.
Sugatan naman ang misis ni Resente na kinilalang si Annie Resente at patuloy pang nagpapagamot sa hospital.
Hinala ng mga awtoridad, posible umanong inakala ng mga suspek na sakay ang city treasurer na siya namang sinasabing target sa pananambang.
Hindi rin inaalis ng pulisya ang posibilidad na pulitika ang motibo sa nangyaring ambush.
Kaugnay nito, naghigpit na ang pagbabantay ng pulisya sa seguridad sa siyudad bunsod nang sunod-sunod ng patayan na nangyayari sa lugar.
Maalala na noong ika-10 lang ng buwang kasalukuyan nang magkaroon din nang barilan sa isang sabungan na ikinamatay ng tatlong katao.
Habang noong Mayo lang nang patayin naman ang ABC president ng siyudad.
The post Driver tepok, misis malubha sa ambush sa Samar appeared first on Remate.