KRITIKAL ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kalugar na hindi maipapasok sa construction site na pinagtatrabahuhan ng una sa Caloocan City, Biyernes ng gabi, Hunyo 20.
Ginagamot sa Caloocan Medical Center (CMC) sanhi ng mga tusok ng icepick sa dibdib at beywang si Rodolfo Muncal, 43, ng Dimasalang St., Maypajo ng lungsod.
Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na Jess at kalugar ng biktima.
Base sa ulat, alas-5:45 ng gabi, naglalakad papauwi sa nasabing lugar ang biktima nang salubungin ng suspek at tanungin kung maipapasok ang huli sa pinagtatrabahuhan ng una.
Sumagot ang biktima na hindi kakayanin na ikinagalit ng suspek sabay hugot ng dalang icepick at pinagtutusok ang una bago tumakas.
Dinala naman ang biktima sa CMC.
The post Kelot kritikal sa hindi naipasok sa trabaho appeared first on Remate.