AABOT sa 37 katao ang sugatan makaraang tumagilid ang sinasakyan nilang bus sa Barangay Dauis Norte sa Carmen, Cebu, kaninang ala-1:00 ng hapon.
Nabatid na isa sa nagtamo ng sugat ang driver ng Ceres Bus na si Ronald Lato habang dinala na sa Vicente Sotto Memorial Medical Center ang 18 sa mga pasahero at nasa Danao Provincial Hospital at iba pang pribadong ospital ang iba pang mga nasugatan.
Ayon kay Lato, tinangka niyang mag-overtake sa isang motorsiklo ngunit nawalan siya ng kontrol dahil sa dulas ng kalsada.
Bunsod nito, bumangga sa gutter ang bus saka tumagilid sa kalsada.
Sinabi rin ni Lato na 50 kilometers per hour lang ang patakbo niya sa bus nang maganap ang aksidente.
The post Bus tumagilid sa Cebu, 37 sugatan appeared first on Remate.