SAN NICOLAS, ILOCOS NORTE – Inaresto ng pulisya ang mag-asawang senior citizen dahil sa kasong bigamy sa San Nicolas, nasabing lalawigan.
Kinilala ang mga suspek na sina Eduardo Guieb, 62, at asawa nitong si Ofelia Guieb, 64, ng Barangay 7, San Miguel.
Ang mga suspek ay inaresto sa pamamagitan ng warrant of arrest makaraang magtago sa batas sa loob ng dalawang taon.
Sa imbestigasyon, inireklamo ang dalawa ng dating asawa ni Eduardo na si Edna.
Lumalabas na iniwan ni Eduardo ang kanyang dating asawa at nakisama kay Ofelia ng mahigit dalawang taon nang hindi sinusuportahan ang kanilang mga anak.
The post Magdyowang senior citizen dakip sa bigamy appeared first on Remate.