AGAD isinugod sa pagamutan ang isang misis matapos tarakan ng kitchen knife sa dibdib ng kanyang mister sa Surigao del Sur.
Kinilala ang suspek na si Redante Yparraguirre, 37, habang ang biktima ay si Gladys Marie Buo Ruperes, 31, sa Purok 1, Barangay Dahican, Carrascal, Surigao del Sur.
Nabatid na nakatayo ang biktima sa entrance ng Barangay Gym at nagpapahinga matapos ang dance practice nang dumating ang suspek bitbit ang kutsilyo at agad na sinaksak ang kanyang misis sa dibdib.
Nabatid na nasa lugar ang biktima para sumali sa sayawan ng barangay fiesta kasama ang ibang lalaki.
Hinala naman ng pulisya na selos ang sanhi ng pananaksak.
The post Misis tinarakan ng selosong mister appeared first on Remate.