PATAY ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng ‘di nakilalang suspek habang naglalaro ng bilyar sa Tondo, Maynila kagabi.
Namatay noon din ang biktima na si Manny Saavedra, ng Carmen Planas St., Tondo, Maynila.
Ayon sa ilang testigo, bigla lamang sumulpot ang isang lalaki na nakasuot ng itim na damit, pantalon at walang sabi-sabing pinaputukan ang biktima.
Matapos maisakatuparan ang pakay ay kaswal lamang na umalis papatakas ang suspek .
Inaalam na ang motibo sa krimen.
The post Kelot binoga habang naglalaro ng bilyar appeared first on Remate.