UMAABOT sa 37 katao ang sugatan sa pagtagilid ng bus sa Barangay Dauis Norte sa Carmen, Cebu.
Kabilang sa mga nasugatan ang driver ng Ceres Bus na si Ronald Lato.
Samantala, dinala na sa iba’t ibang ospital ang mga pasahero na nasangkot sa aksidente.
Ayon sa pahayag ni Lato, sinubukan niyang mag-overtake sa isang motorsiklo ngunit nawalan siya ng kontrol dahil madulas ang kalsada na nagresulta sa pagtagilid ng sasakyan.
Bumangga muna sa gutter ang bus at tuluyang tumagilid sa kalsada.
Nanindigan naman ito na nasa 50 kilometers per hour lang ang patakbo niya sa bus nang mangyari ang aksidente.
The post 37 katao sugatan sa tumagilid na bus appeared first on Remate.