TIMBOG ang isang 66-anyos na lolo matapos tangkaing gahasain ang isang 31-anyos na kapitbahay sa Zamboanga City.
Sa ulat ng pulisya, isang miyembro ng Magsaysay Barangay Intelligence Network (BIN) ang nagsumbong sa kanilang himpilan hinggil sa insidente na kaagad namang binigyang aksyon ng pulisya upang maaresto ang suspek na kinilalang si Tomas Castro, residente ng Magsaysay Village, R.T. Lim, Zamboanga Sibugay.
Nabatid na matutulog na ang biktima kasama ang kanyang anak na lalaki nang biglang pumasok ang matanda sa kanilang kwarto na may dala-dalang itak na ipinanakot sa mag-ina mag-ina at tinangkang halayin ang ina ng bata.
Subalit nakatakas sila at nakalabas sa kanilang bahay na agad nakahingi ng tulong sa iba pang mga kapitbahay.
Sa pagresponde ng pulisya, tiyempong naabutan nila ang matanda na hawak-hawak pa ang itak na ginamit sa pananakot na agad naman naaresto.
Dahil dito, patong-patong na kaso ang haharapin ngayon ng manyak na lolo.
The post Lolo, timbog sa tangkang panggagahasa appeared first on Remate.