PATAY ang tatlong katao nang manlaban sa mga pulis sa Tanghal Subdivision, Bagua II sa Cotabato City kaninang madaling-araw.
Nabatid mula kay City Police Director Rolen Balquin na alas-5:40 Lunes ng umaga sisilbihan ng mga arrest warrant si Muktar Santog na wanted sa kasong murder dahil sa Maguindanao Massacre.
Pero nanlaban si Santog kasama ang isang alyas “Katindig” at si alyas “Badboy”.
Dito na napalitan ng putok ang Cotabato City Police Office at ng Maguindanao Provincial Police Office sa tatlo na naging dahilan ng kanilang pagkamatay.
Nakakuha naman ang PNP ng tatlong police uniform na posibleng ginagamit ng mga suspek sa paglikida sa ilang personalidad sa Cotabato at ilang bahagi ng Central Mindanao.
The post 3 wanted pumalag sa parak, tigbak appeared first on Remate.