LA TRINIDAD, BENGUET – Pisak ang bungo ng limang taong gulang na babae matapos masagasaan ng pampasaherong jeep sa Km. 3, La Trinidad, nasabing lalawigan.
Kinilala ng La Trinidad Philippine National Police (PNP) ang biktima na si Shiela Mae Pangilinan, ng upper Cogcoga, nasabing bayan.
Samantala ang driver ng jeep ay nakilalang si Celes Gorio, 40, ng Lubas, La Trinidad, Benguet.
Sa imbestigasyon, ang biktima ay naglalakad sa gilid ng kalsada nang biglang tumawid at masagasaan ng jeep na minamaneho ni Gorio na may rutang Tomay – Baguio.
Unang nagulungan ang ulo ng bata dahilan para mapisak, agad niyang ikinamatay.
The post Ulo ng 5-anyos babae pisak sa dyip appeared first on Remate.