Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Malakas na lindol ibinabala

$
0
0

IBINABALA ngayon ni Senadora Loren Legarda na paghandaan ang mas malakas na lindol na posibleng maramdaman anomang oras sa bansa.

Ang babala ay kaugnay sa naganap na lindol noong isang gabi sa ilang bahagi ng Luzon na naramdaman din sa Metro Manila.

Ayon kay Sen. Loren Legarda dapat lamang paghandaan ang posibleng pagtama ng 7.2 magnitude na lindol lalo na’t sinasabing hinog na ang tinatawag na Marikina Valley fault line.

Dahil dito, kailangan ding paigtingin ng gobyerno ang earthquake preparedness dahil ang lindol ay magaganap na walang warning o senyales.

Giit naman ni Legarda na hindi pananakot ang posibilidad na magkaroon ng mas malakas pang lindol at ipinaalala ni Legarda ang 2004 Metro Manila Earthquake Impact Reduction Study (MMEIRS) na aabot sa 7.2 magnitude na lindol ang posibleng maganap sa Metro Manila.

Sakaling maganap ang 7.2 magnitude na lindol ay posibleng masira ang 40% na mga residential buildings at posibleng 34,000 ang mamatay at 114,000 naman ang posibleng masugatan.

The post Malakas na lindol ibinabala appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129