Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trapiko nagkabuhol-buhol sa naaksidenteng trak

$
0
0

NAGKABUHOL-BUHOL ang daloy ng trapiko nang bumara sa lansangan ang isang trak sa Aurora Boulevard  Eastbound, Biyernes ng madaling-araw.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, alas-5:00 ng umaga nang maputol ang tali na humahawak sa apat na sementong hagdan nang mag-U-turn ang trak kaya nahulog ang dalawa sa mga ito at bumalandra sa kalsada.

Hanggang alas-6:40 ng umaga, nakabalandra pa rin ang mga hagdan kaya isang lane lang sa Aurora Blvd. Eastbound ang bukas sa mga motorista.

Nabatid namang dadalhin sa Cubao ang mga pre-cast na hagdan bago naganap ang aksidente.

The post Trapiko nagkabuhol-buhol sa naaksidenteng trak appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>