PATAY ang dalawang sundalo makaraang tambangan ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Busag, Ligao, Albay.
Kinilala ang mga biktimang sina Private 1st Class Jaynard Guinoo at Private 1st Class Louie Jardio, mga miyembro ng 901st Division Reconnaissance Company sa Barangay Oma-oma.
Nabatid sa imbestigasyon na sakay ng motorsiklo, pabalik na ang dalawa sa kanilang assignment nang atakihin ng mga rebelde.
Nawawala rin ang wallet ng mga biktima na nakalagay ang perang gagamitin para sa anak ng isa sa mga sundalo na nasa ospital.
The post 2 sundalo, lagas sa pananambang ng NPA sa Albay appeared first on Remate.