DALAWA ang nalagas habang sugatan naman ang dalawa pa nang mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang van sa Ifugao nitong Lunes ng gabi, June 30.
Kapwa dead-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang mga biktimang sina Clifford Palayan at Edward Tilugas, drayber ng van.
Isinugod naman sa pagamutan sanhi ng tinamong kapansanan sa iba’t ibang parte ng katawan ang dalawa pang biktima na sina Ramon Gagawin at Shirley Borbe.
Sa ulat ng Cordillera PNP, naganap ang insidente dakong 10:55 nitong Lunes ng gabi sa isang bangin sa may bahagi ng Aguinaldo, Ifugao.
Bago ito, nanggaling sa Baguio City ang mga biktima at patungong Aguinaldo nang pagsapit sa lugar ay nakaidlip sa pagmamaneho si Tilugas.
Ayon sa mga nakasaksi, nagpagewang-gewang muna ang naturang van na isang senyales ng maaring nakatulog ang drayber bago bumulusok sa may bangin na may lalim na 500 metro.
The post 2 todas, 2 sugatan sa nakatulog na driver appeared first on Remate.