TODAS ang isang notoryus na holdaper nang makipagbarilan sa mga parak na aaresto sana sa una makaraang muling makapambiktima Lunes ng umaga, June 30, sa Malabon City.
Dead-on-the-spot si Sandil Martin, nasa hustong gulang, ng #19 Acero St., Brgy. Tugatog ng nasabing lungsod sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .9mm sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ayon sa ulat, dakong 6:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa Dulong Acero St., ng nasabing barangay.
Nauna rito ay nagtungo ang isang ginang na hindi pinangalanan upang ireklamo ang ginawang panghoholdap sa kanya ng suspek.
Dito na agad na rumesponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP-4) at nang tunguhin ang lugar ay inabutan pang hinahabol ng mga taumbayan si Martin subalit dahil may hawak na baril ay ipinaubaya na sa mga pulis.
Agad nagpaputok ng kalibre .38 ang suspek patungo sa mga pulis dahilan upang gumanti ang mga ito na ikinamatay ni Martin.
Nabatid pa na matagal ng inirereklamo sa kanilang lugar si Martin dahil sa pagiging holdaper nito na pati mga kalugar ay tinatalo.
The post Holdaper utas sa pagpalag sa parak appeared first on Remate.