NASA malubhang kalagayan hanggang ngayon ang isang airport ground crew member makaraang tamaan ng kidlat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa report, naganap ang insidente sa Bay 109 malapit sa NAIA Terminal 3 habang gina-guide ng naturang crew member ang eroplano ng Cebu Pacific.
Agad namang isinugod sa San Juan de Dios Hospital ang ground crew na kinilalang si Sheldon Balang, 25, ng Blk. 107, Lot 16, Kalinisan St., Cainta na nasa seryosong kondisyon.
Matatandaang naranasan kagabi ang thunderstorm na nagdala ng malakas na ulan sa malaking bahagi ng Metro Manila.
The post Crew sa NAIA tinamaan ng kidlat, kritikal appeared first on Remate.