PINANINIWALAANG isinakripisyo ng isang lalaki ang kanyang buhay upang iligtas ang kanyang kapatid na Konsehala sa kapahamakan nang ambusin ng kilabot na motorcycle-in-tandem sa Batangas town nitong Huwebes ng gabi, Hulyo 3.
Hindi na naisalba pa ang buhay sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ng biktimang si Al Alvin Loria.
Sugatan naman at ginagamot din sa ospital ang kapatid ni Arvin na si Geraldine Yu, councilor ng Cuenca, Batangas.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 10:15 nitong Huwebes ng gabi sa isang gasoline station sa may Barangay Banay-banay, Lipa City, Batangas.
Bago ito, lulan sa kanilang sasakyan ang magkapatid at nagpapakarga ng gasolina nang sumulpot ang mga suspek na naka-helmet at itim na jacket na pinagbabaril ang sasakyan ng magkapatid saka tumakas.
Sa pagsisiyasat ng Lipa City PNP, lumabas na ang tunay na target ng asasinasyon ay si Yu at kaya si tinamaan si Arvin ay niyakap nito ang kanyang kapatid upang makaligtas.
The post Batangas councilor, sugatan, utol tigbak sa ambush appeared first on Remate.