Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Hepe sa La Union, kalaboso sa panununtok

$
0
0

BANGAR, LA UNION – Nahaharap ngayon sa kayong serious physical injury at abused of authority ang isang chief of police matapos ireklamo ng isang binata ng pambubugbog sa bayan ng Bangar, La Union noong Huwebes ng umaga, July 3.

Inireklamo ng 19-anyos na biktimang si Denmark Valencia, ang chief of police ng Bangar Municipal Police Station na si Chief Insp. Siverio Ordinado.

Ayon sa testimonya ni Valencia, kasama niya ng mga ilang kaibigan sa municipal plaza nang tawagin siya (Valencia) ni Ordinario at pinagbitangan na binabato ang bahay ng isang konsehal.

Habang tinatanong ni Ordinado si Valencia, pinagsusuntok at pinagmumura umano niya ang biktima.

Ayon naman kay Ordinario, hinawakan lang daw niya ang binatilyo at pinabulaanan ang mga paratang ng biktima.

The post Hepe sa La Union, kalaboso sa panununtok appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>