Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pick up inararo ng tren sa Maynila

$
0
0

INARARO ng tren ng Philippine National Railways (PNR) ang isang pick up kaninang umaga sa Tondo, Maynila.

Bagama’t malaki ang naging sira ng Nissan Frontier (TOQ-389), maswerte namang nakaligtas ang driver nito na si Jerome Brieva, 36, project coordinator ng isang construction company.

Batay sa ulat ng Manila Traffic Police, pasado 7:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa Jose Abad Santos, kanto ng Antipolo Street, sa Tondo.

Ayon kay Brieva, tinatahak nito ang Manila-bound lane ng Jose Abad Santos nang dumaan ang northbound train sa railroad crossing ng Antipolo Street sa Tondo.

Hindi napansin ni Brieva na may paparating ring southbound train kaya’t paglampas ng unang tren ay agad na nitong pinatakbo ang sasakyan.

Sanhi nito, nakaladkad ng tren ang kanyang pick-up at matinding nawasak.

Maswerte namang nakaligtas ang driver at laking pasasalamat nito nang huminto ang tren nang hindi man lamang siya nagalusan.

Sa kabila naman nito, matinding abala ang dulot ng aksidente dahil sa pagsisikip sa trapiko.

The post Pick up inararo ng tren sa Maynila appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tropa Quotes


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


“BAHAY KUBO HUGOT”


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>