NASA kritikal na kondisyon ngayon ang isang lalaki matapos sumabit sa kable at makuryente sa poste ng Manila Electric Company (Meralco) kaninang umaga sa Tondo, Maynila.
Hinihinalang nagkakabit umano ng iligal na kuryente o jumper ang biktimang si Eduardo Angor, 43, sa bahagi ng Bambang St. malapit sa Abad Santos sa Tondo.
Nabatid na alas-8 kaninang umaga nang tawagin ng kapitbahay ang lola ng biktimang si Ginang Norma Garcia dahil sa nangyari sa biktima.
Nahirapan naman ang mga tauhan ng Meralco na alisin ang biktima sa poste dahil sumabit ang kanyang paa sa mga kawad ng kuryente.
The post Magkakabit ng ‘jumper’ nakuryente, kritikal appeared first on Remate.