Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Puno ng center island sinuwag ng SUV, 3 kritikal

$
0
0

TATLONG katao ang malubhang nasugatan nang sumalpok ang kanilang sinasakyang sports utility van (SUV) sa mga punong nasa center island sa Quezon City kaninang madaling-araw, Hulyo 8.

Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang isa sa mga biktimang nagngangalang Joey.
Isinugod ito kasama ang dalawa pa na hindi nakuha ang mga pangalan sa pinakamalapit na pagamutan.

Tumakas naman at ngayon ay pinaghahanap na ng awtoridad para panagutin sa insidente ang nagmamaneho ng Toyota Fortuner na kulay dark gray (ZDX-316).

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 12:35 ng madaling-araw sa may Mindanao Avenue, sa Barangay Tandang Sora, Q.C.

Ayon kay Ronald dela Paz, barangay tanod sa lugar, mabilis ang takbo ng sasakyan at nagulat na lamang siya nang biglang tinumbok nito ang dalawang puno na nasa center island ng Mindanao Avenue.

Sa lakas ng pagkakasalpok, bumaliktad nang paulit-ulit ang SUV bago sumalampak sa gitna ng kalsada.

The post Puno ng center island sinuwag ng SUV, 3 kritikal appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tropa Quotes


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


“BAHAY KUBO HUGOT”


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>