DALAWA ang patay habang nag-aagaw buhay ang apat na taong gulang na babae sa pagsabog ng bala ng M79 na napulot ng kanyang ama sa Lumasal, Maasim, Sarangani Province.
Kinilala ang biktima na si Rolando Tamuay, 36, at Jenny Dula, magkapatid.
Samantala, ang mga sugatan ay sina Jinky Tamuay, 4, at ina nito na si Laina Tamuay na tatlong buwang buntis.
Sa ngayon, patuloy na ginagamot ang mga biktima kasama ang dalawa pang kamag-anak na sugatan din.
Matatandaang napulot kahapon ni Rolando ang naturang bala sa lupa na kanyang sinasaka, na agad naman niyang itinago at ibinulsa sa pag-aakalang ito ay ginto.
Napag-alamang habang nag-aalmusal ang mag-anak, nahulog ito mula sa butas ng kanyang bulsa at sumabog.
Samantala, nakaburol na sa kanilang bahay sa Lumasal, Maasim, si Rolando at kapatid nitong si Jenny Dula.
The post 2 todas, paslit, kritikal sa sumabog na bala appeared first on Remate.