Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Dalagita, dakip sa ‘pla-pla’

$
0
0

NAGUILLAN, LA UNION – Dahil sa pagpapaputok ng “pla-pla”, isang dalagita ang inaresto dahil sa paglabag ng municipal ordinance number 3 o anti-fire crackers law.

Nakilala ang dalagita na si Rachel Ann Rlilera, ng Barangay Gueset, sa nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng lokal na pulisya, may naglalarong mga bata sa harap ng bahay nina Rillera nang bigla niya sindihan ang pla-pla na siyang nagtakbuhan ang mga ito sa sobrang takot.

Eksakto namang dumadaan si SPO3 Marcelo Paneda, hinuli niya ang dalaga at dinala sa presinto.

Nagmulta si Rillera ng P1,000 para sa paglabag sa nasabing municipal ordinance.

The post Dalagita, dakip sa ‘pla-pla’ appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>