WALO ang nasugatan kabilang ang dalawang personnel ng MMDA sa karambola ng sasakyan sa Quezon City kaninang madaling-araw, Hulyo 12, Sabado.
Kinilala ang mga nasugatan na sina Standley Ching Uy, 29; Gilbert Abundo, 45; Reynante Feraria, 41, MMDA personnel; Mark Anthony Subala, 32, MMDA personnel; Melody Sahanes, 27; Christine Valio, 27; Krissy Cruz, 26; at Karen Cabuso.
Ayon kay police aide Emer Patulot ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 3, naganap ang insidente sa kahabaan ng Edsa cor. National Printing Office, Brgy. Pinyahan, QC dakong 4:45 ng umaga.
Sinabi ni Patulot na hinahatak umano ng tow truck ng MMDA ang isang nasiraang sasakyan sa naturang lugar at minamaneho ni Jesus Dacuno MMDA personnel ang tow truck (SDD-160) nang biglang bumangga ang isang sasakyan.
Nasangkot ang aksidente ang isang Mitsubishi na kotse (LPT-349) na minamaneho ni Ching Uy, at isang Honda Civic (NKT-773) na minamaneho naman ni Abundo.
Agad isinugod sa pagamutan ang mga nasugatan matapos ang aksidente habang kasalukuyan pang sinisiyasat ng QC traffic police ang naturang insidente.
The post 8 sugatan sa karambola ng sasakyan appeared first on Remate.