Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Tsuper tinaga ng kainuman sa Pasay

$
0
0

NAKALIGTAS sa tiyak na kamatayan ang isang 37-anyos na jeepney driver nang tagain ng itak ng kanyang kapitbahay na umano’y dati nitong nakaalitan sa isang inuman kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Kasalukuyang inoobserbahan pa sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang biktimang si Noel Quilang, ng Transmitter Area, Barangay 184 Zone, Maricaban ng naturang lungsod, sanhi ng tinamong malalim na sugat sa kaliwang braso.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspek na si Jonathan Albag, alyas “Atan”, nasa hustong gulang, na mabilis tumakas matapos ang pananaga sa biktima.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Pasay City, alas-12:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Transmitter Area, Brgy. 184, Maricaban St. nang nasabing lungsod.

Nauna rito, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkatagpo sa isang inuman ang suspek at ang biktima kung saan nilapitan ng nauna ang huli at inungkat ang dati nilang alitan.

Pinagduduro umano ng suspek ang biktima at binantaan pa ito kaya’t nagdesisyon na lamang si Quilang na umiwas at umalis na lamang ito sa inuman.

Lingid sa kaalaman ng biktima ay sinundan ito ng suspek na armado ng itak at walang sabi-sabing nakailag ang nauna ngunit minalas na tinamaan sa braso.

Agad na tumakas ang suspek habang agad naisinugod sa ospital ang biktima. JAY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>