Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pulis tangkang paslangin ng karibal na sekyu

$
0
0

KALABOSO ang isang security guard nang arestuhin ng mga nagpapatrulyang tauhan ng Philippine National Police (PNP) nang tangkaing paslangin ang isang bagitong pulis na bago umanong kasintahan nang dati niyang iniibig makaraang mag-krus ang kanilang landas kaninang tanghali sa Pasay City.

Nagawang masalag ni PO1 Eduardo Galzote, 30, nakatalaga sa Regional Public Safety Battalion ng National Capital Region Police Office (NCRPO)  ang mga saksak ni Michael Caddarao, 30, ng F.B. Harrison St habang palabas ng gate ng BAT Compound sa Pildera 2 dakong alas-12:30 ng tanghali.

Humantong sa pag-aagawan ng patalim ang dalawa at nang mabitiwan ng suspek ang dalang armas ay tinangka naman nitong agawin ang baril ng pulis na naging dahilan upang magpambuno sila na nakatawag pansin sa nagpapatrulyang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP)-9.

Dinala ng mga pulis sa Pasay City General Hospital ang dalawa matapos magtamo ng sugat sa mga daliri ang pulis sanhi ng ginawang pag-agaw sa patalim habang nagtamo rin ng sugat sa likurang bahagi ng ulo si Caddarao na dulot ng pakikipambuno kay Galzote.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Roy Ramos ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay police, nagtanim ng matinding galit ang security guard kay Galzote matapos mabaling ang pag-ibig ng dati niyang kasintahan na itinago lamang sa alyas Gina sa bagitong pulis.

Kasong attempted murder at paglabag sa umiiral na Omnibus Election Code o pagdadala ng nakamamatay na armas ang isinampa ng pulisya sa Pasay City Prosecutors Office laban kay Caddarao.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129