NAGTANGKANG magpakamatay ang isang tatay sa pamamagitan ng pagbibigti gamit ang suot na brief na inireklamo ng anak na babae ng panghalay sa Caloocan City kaninang hapon.
Laking gulat ng mga pulis dakong ala-1 ng hapon nang makitang nakabitin na ng suot na brief ang suspek na itinago sa pangalang Mang Rey, 49, ng 6th Avenue ng lungsod.
Lumalabas na kahapon ay dinakip ang suspek matapos malaman ng kanyang manugang na hinalay ng una ang asawa na edad 19 at tinangkang umulit kamakailan.
Sa pahayag ng biktima, 17-anyos pa lang siya ng unang mahalay ng suspek at natigil lang nang mag-asawa.
Kamakailan ay pinasok ng suspek ang biktima sa loob ng bahay upang muling halayin subalit tumanggi ang suspek.
Tinakot pa ng suspek ang biktima na sasaktan hanggang sa dumating ang asawa ng biktima na naging dahilan upang masabi sa asawa ang nangyayari na naging dahilan upang ipadakip ang suspek.
Habang nasa detention cell ng Caloocan City Police ay nagtangkang magbigti ng suspek subalit napigilan ng mga pulis.