PATAY ang isang ginang matapos pagsasaksakin ng asawa dahil lamang sa pagiging abala nito sa pagte-text sa Surigao del Sur.
Mismong si Kapitan Roberto Dumalagan ng Brgy. Bolhoon, sakop nang nasabing lungsod ang dumulog sa pulisya hinggil sa pagkakapatay ni Gerardo Betinol sa kanyang misis na si Susanna, 42, kapwa residente sa lugar.
Una rito, mula umano sa sakahan ang suspek at umuwi upang kumain ng agahan nang kanyang madatnan ang misis na busy sa pagte-text.
Dahil sa pagseselos, iginiit ng suspek na may ibang karelasyon ang biktima bagay na pinasisinungalingan ng huli na nagresulta sa away ng dalawa.
Biglang kumuha ng kutsilyo ang suspek at sinaksak ang kanyang misis na nagresulta ng agarang pagkamatay nito sa San Miguel Community Hospital sa Brgy. Tina, San Miguel. Marjorie Dacoro