Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Mister kulong sa pamamahid ng sili sa ari ng misis

$
0
0

NAHAHARAP sa kasong paglabag sa R.A 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Children ang isang mister dahil sa paglagay ng sili sa ari ng kanyang asawa sa lalawigan ng Negros Occidental.

Pursigido ang 22-anyos na misis na maparusahan ang 34-anyos na mister, residente ng bayan ng EB Magalona dahil sa pang-aabuso na ginawa sa kanya.

Ang suspek na isang karpintero ay nakakulong ngayon sa EB Magalona Police Station at patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Women and Children’s Protection Desk sa kaso nito.

Napag-alamang hindi pa nakabihis ang biktima matapos naligo noong isang umaga ng ito’y tinadyakan ng mister at hinaplos ng sili ang ari matapos nagalit ng hindi nakauwi ng isang gabi ang misis.

Ayon sa suspek, gusto lamang nitong disiplinahin ang misis dahil sa kanyang ginawa.

May hindi pagkakaintidhan na namagitan sa dalawa dahil hindi pumapayag ang mister sa kagustuhan ng misis na maghanap ng trabaho dahil kulang umano ang kanyang kinikita bilang karpintero para mapakain ang tatlo nilang mga anak.

Sa ngayon ay nagsisisi ang mister at hindi inakala na makukulong pala siya sa kanyang ginawang pagdisiplina umano sa misis. Marjorie Dacoro


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>